Bookmark this article

Read Our Articles in Your Email


 


Print  

by in Balitang Q

Nagdaos ng matagumpay na paligsahan sa palakasan sa basketball at ng sa volleyball ang KARIBOK sa DOHA o ang kaguluhan sa kanilang salita ng mga Samahang Batangueno sa Qatar (SBQ) noong ika 4 ng Mayo na ginanap sa Philippine School Doha sa Qatar. Sa araw ding ito ay kanilang ginanap ang kanilang taunang pagpupulong upang maipagbigay kaalaman sa kanilang samahan ang mga nagawang proyekto, mga nalikom at pinaggamitan na pondo at ang mga susunod pang mga balakin.
Kasabay dito, ayon na rin sa mga kautusan ng ating embahada na ito ay maging abot kamay ang bawat komunidad ng mga Filipino sa Qatar ay tumalima ang isang pangkat ng Overseas Absentee Voting (OAV) ng embahada o ang mga gumaganap sa bagong pagtatala ng mga OFW dito sa Qatar para sa pagsasaayos o pagpapabuti ng nasabing OAV. Sa pangunguna pa rin ni Ginang Pamela sa kanyang pangkat, ang PAG-IBIG Fund at ang SSS o Social Security System ay kasama din sa pakikipagunayan sa ating mga kababayan.

Makikita sa larawan si G. Flor Cabrito habang nagtatala ng kanyang personal na impormasyon para sa bagong OAV o ang Overseas Absentee Voting.


Sa pagbibigay ng pambungad na mensahe ng ating bagong Labor Attache Leopoldo B. de Jesus, kanyang ipinaabot ang mensahe ng ating mahal na Secretary of Labor ng ating Bansa. Ang adhikain nito na maipalaganap ng husto ang mga inpormasyon at umabot sa bawat isang manggagawa na nasa labas ng ating bansa ang mga programa sa pakikipagtulungan, mga pagbabago, ang maayos na pakikipag-ugnayan at ang disenteng trabaho para sa buong OFW gayun na rin para sa kanilang pamilya. Ayon na rin sa ating mahal na Labatt, ang kanyang tanggapan ay bukas kanino man at kanyang ipagpapatuloy at pagbubutihin ang mga paggawa at paglilingkod lalo na sa mga nagawa at nasimulan na nitong tanggapan. Ang mga makabuluhang mga pagtulong at pagkalinga sa mga higit na nangangailangan ng proteksiyon na mga OFW, ay kanya ding diin.

Ang panauhing pandangal sa kanyang pambungad na mensahe para sa Karibol sa Doha at sa mga OFW, ang bagong LabAtt ng Embahada ng Qatar na si G. Leopoldo B. de Jesus hatid ang kanyang makabuluhang pagpapatuloy sa pakikipagugnayan sa mga paggawa at paglilingkod bilang bagong Labor Attache.


Sa kanyang pagtatapos na mensahe para sa nasabing Karibok sa Doha, ang panawagan sa mga kasapi na ipagpatuloy ang kompetisyong nagaganap na hindi ito tumungo maging bayolente kundi maging inspirasyon para sa mga susunod pa nitong mga gawain, ang sa pagpapakita ng lakas ng katawan, liksi sa pagkilos, kaalaman at pagpapabuti ng laro alinsabay sa pakikipagtungo ng bawat isa o pakikipag-kapwa.

Mula sa kanan ay ang pangulo ng SBQ na si Jun Villena, kasunod si Bb. Lei dela Rosa, si G. Alan Bulan at si Gng.Fritzi Caringal sa pagbubukas ng Karibol sa Doha ng Samahang Batangeno sa Qatar.


Pinangunahan naman bilang isa sa Karibok Commissioner na si Alan Bulan ang panunumpa bilang manlalaro ang apat na makulay na koponan nito. Sinimulan ng mga kulay puti at pula ang laro ng basketball at sinundan naman ng mga luntian at ng mga bughaw. Matapos ang larong basketbol ay sinundan naman ng larong volleybol ang masayang Karibol sa Doha.
Sa pakikipanayam kay G. Jun Villena ang pangulo ng Samahang Batangeno sa Qatar, ang taunang paligsahan na ito ay muling isinagawa upang mapagkaisa ang kanilang samahan gayundin ang bawat pamilya at mga kaibigan na kahit hindi mga tubong Batangas ay maari makipagsalamuha sa kanila sa tawag ng pagkakaisa. Ayon pa rin sa kanya na kanyang pinamunuan ang nasabing samahan nuon pang Agosto ng taong 2011. Ibig niyang isaayos ang pagtatala ng mga bawat Blood Type ng kanilang mga kasapi sa kadahilanang may malaking maidudulot ito sa mga araw na di inaasahang mga pangyayari, na kanya na rin mismo naranasang mahirapan sa pagkuha ng kaparehong dugo sa mga sandali ng kanyang pangangailangan.

Ang mga Karibok sa Doha Commissioner at mga game officials habang nagsisimula ang palarong basketbol.


Ipinaaabot ng SBQ na sila ay nakikiisa sa mga adhikain ng ating embahada gayon din ang sa kanilang pakikipagtulungan at ang pakikibahagi sa darating na pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan o ang taunang Piyesta ng Kalayaan dito sa Qatar.
Kanya na ring panawagan sa mga naruon na suportahan ang makabuluhang pagkilos ng ating embahada sa pagpapatala ng kanilang OAV na pinangungunahan ng ating OAV Administering Officer na si Vice Consul Gilbert Segarra, kasama sina Sitti Paradji, Evelyn Xavier Jr, Walter Villalobos, Demosthenes at D’Marie Palanas.

2 Comments Share Leave Reply
Jobs in Qatar
--

2 Comments

  • Rannietanchico

    07/05/2012

    ang galeng Bro Omar… mabrouk

    • Omar dela cruz

      13/05/2012

      Thanks po ka Rannie. Si Malen po nag-post nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Support Our Advocacy

BalitangQ is a non-profit organization that aims to broadcast through multimedia the latest and accurate news, features and information about Filipino’s way of life while upholding the principle of responsible and balanced community journalism.

Supported By: