Bookmark this article

Read Our Articles in Your Email


 


Print  

Matagumpay na naidaos ang Gabi ng Palatuntunang Pang-Kultura sa pamamagitan ng pagpapakita ng talento ng mga lumahok sa pag-awit at pagsayaw noong ika- walo ng Hunyo 2012 kaalinsabay sa pagdiriwang ng ika-114th Kalayaan ng Pilipinas sa Al Majlis Auditorium.
Ang palatuntunan ay nag-umpisa sa ganap na ika-walo ng gabi sa pamamagitan ng pag-aalay ng panalangin ni Mr. Mark Santos para sa mga kapatid nating Muslim. Sinundan ito ng pagpapatugtog ng pambansang awit ng Qatar at Pilipinas. Pinangunahan naman ni Mr. Frank Jamandre, 2010 PInOC Chairman ang pagsasalaysay ng kasaysayan ng Philippine Independence Day Organizing Committee magmula noong taong 2007 hangang sa taong kasalukuyan kasabay ng pagpapakita ng iba’t ibang larawan na may kaugnayan sa selebrasyon.

Nagbigay naman ng kanyang pambungad na pananalita ang Kagalang-galang na Ambassador ng Pilipinas sa Qatar, Crescente Relacion. Nagsagawa ang PInOC 2012 sa pamumuno nina G. Fidel Escurel, PInOC 2012 Chairman at G. Leo Dote, Co-Chairman, ng pagkilala sa mga organisasyon ng mga Pilipino sa Qatar na buong pusong sumuporta at tumulong sa paghahanda upang maging isang matagumpay ang pagdiriwang ng araw ng kalayaan ng Pilipinas ditto sa Doha, Qatar sa pamamagitan ng paghahandog ng certificates. At pagkatapos nito, ay isinunod naman ang pagkilala o pagbibigay pugay sa mga PInOC Executive Commitees.
Isang napakasarap na hapunan naman ang pinagsalu-saluhan ng lahat habang ang palatuntunang pang-kultura ay isinasagawa sa entablado.
Nasiyahan ang lahat ng dumalo sa gabing yaon sa panonood ng mga sumusunod na presentasyon na nagmula sa Luzon ( PANAGBENGA ), Visayas (SINULOG ) at Mindanao ( KADAYAWAN ) sa pangunguna ng PSD Hiyaw Dance Troupe, at ng mga nagsi-awit na sina Justine Joy De Ocampo, Edgar Gian Bernardino, Portia Bechayda, Rosette Cuayzon, Randy Pepito, Wilgie Mae Tabligan, Vicky Mactal , PSD Chorale at mga guro ng PSD.
Si G. Florante M. Cabrito, Sr., Program Committee Chairman ng PInOC 2012 at kasalukuyang Pangulo ng BalitangQ, ang siyang nagbigay ng pangwakas na pananalita.
Sina G. Mike Saratan at Bb. Wilma Balmores naman ang mga naging emcee ng palatuntunan.


No Comments Share Leave Reply
Jobs in Qatar
--

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Support Our Advocacy

BalitangQ is a non-profit organization that aims to broadcast through multimedia the latest and accurate news, features and information about Filipino’s way of life while upholding the principle of responsible and balanced community journalism.

Supported By: